Dear Aling Flor (a.k.a. My Mom)
I actually don’t know where to start my blog. I think that’s just how it is when you’ve got lots of things to say to someone dear to your heart. Napakaraming pwedeng sabihin. Sabi nga nila, words can’t say how much you mean to me. Naks! Charos!
Yan si Mother. A.k.a. Mrs. Gumabay to her students, Ate Flor sa mga katong-its, Aling Flor sa mga suking nagtitinda sa kalsada, Mamu sa mga chikitings, Tita Flor sa mga nakiki-tita, Donya Flor sa mga amiga. Chos! Haha!
O kita na ang ebidensiya, magkakahiwalay talaga mga daliri ko sa paa. Sight mo? Kapatid ko pala si Dora? Haha!
O eto, kaya mo yung pink ni ate? Pink polka dots? Infair, lakas maka-babae nung araw. Mga naka-dress hanggang tuhod.
Haler san pa ba naman kami magmamana ng katalinuhan? It runs in the blood. CHos!
Anu kayang meron dito?
Medyo thunderbird na si mother nung grumaduate. Buhay na ata ako non. I remember her wearing her toga pa nga. Kwento pa nya samin, sa tuwing sumasakay siya ng bus, at sinasabi niyang estudyante siya (para maka-discount), nagdududa daw yung kundoktor. Hahaha! But atleast hindi siya tumigil hangga’t maka-graduate di ba?
Pasensya na sa mga pictures. Alam nyo yan. Malalabo talaga ang mga pictures nung araw. Plus hindi din naman kami pala-picture dahil wala din naman kaming camera.
She is an English teacher by profession. Yes. Ulirang guro. Although she’s a TERRORIST during her times, love na love siya ng mga estudyante nya. Sa kanya binibigay ang mga pinakamalolokong section dahil hindi umuubra ang mga bata sa kanya. Haha! And as a teacher, hanggang bahay dala niya pagka-istrikta. Pati kami sobrang takot. Mata palang, para ka nang tinutusok at kinukurot sa singit. Hehe. At kung fossil remains lang ang balat ko, malamang marami na kayong nakitang nakabakat ng palad niya. Hahaha!
Nuon, gandang ganda na kami dito. Gusto na naming ipa-frame, i-laminate lahat na!
Eto nung grumaduate ng high school si Ate. Alam nyo yang brown na dress na yan, buhay pa din yan! At favorite niya pa din hanggang ngayon. Kaloka.
Eto naman nung grumaduate ako ng college. Parang pareho kaming pilit ngumiti? O nilalamig ka Ma? Nagiging kamuka mo na si Nanay! Wahahahaha!!!!
O siya sige na nga, magme-message na pala ako ng seryoso. Ihanda na ang tissue.
Dear Mother,
There are so many moments when I wish you knew how much you matter to me. I hope you can feel my gratitude and heartfelt thanks for everything you’ve done for us. I can look back on my childhood and realize how lucky I was to have you as a mother. You must have felt frustrated sometimes, no doubt, and at times even full of despair. Yet you never gave less than your best to us. And for that, a sincere apology (naks!) for many head and heartaches I have caused you when I was growing up.
Thank you for not cooking for us sometimes, because of this I learned how to cook my own meal. Thank you for leaving us everyday when we were a child, because of this I learned how to take care of my younger brother and sister. And I know you only have to do that because you have to work for us. Thank you for not giving us everything we want, because of this I learned how to strive hard and earn money to buy the things that I want. Thank you for helping me grow and showing me you were proud of me no matter how small the accomplishment.
I respect your discipline, your decisions and the way you stand by your words. I admire your way of life even though you may have wondered many times if I was even listening when you spoke to me. You may have felt as if your words were falling on closed ears, but I’ve always heard you.
Medyo mahaba na ata to. There just aren’t enough words to tell you all the feelings in my heart and I know these aren’t the most eloquent, but more than anything I want to say, THANK YOU for being the best mom anyone could have.
Labyu Ma. Happy Mother’s Day!
xo, hopya
P.S. Pautang bente. Chos!
A Stress-Free Summer In Bohol
Habang ang mga ka-opisina namin ay nasa Bulacan at nagbubungkal ng lupa sa ilalim ng tirik na tirik na araw, kami nama’y nagbabakasyon ng bongga. Yes I know marami ng nakapunta sa inyo ng Bohol. Ako na ata ang pinakahuli. Haha! Pero share ko na din ang experience ko. I know makakarelate ka.
Sabi nila, at nuon ko pa naririnig, mas maganda daw ang beach ng Bohol kesa sa Boracay. Well, I don’t know coz I’ve never been to Boracay yet. Wala akong point of comparison. At dati ko pa ding niyayaya mga kapatid kong magpunta dito kasi gustong gusto ko talaga.At naswertehan ko dahil December palang, booked na ang bakasyon kong ito. O diba? Syempre SALE! Bibili ba ko ng hindi sale?! Haha!
Our ETA should be 11AM, pero nakarating kami ng 12NN na. Anofah? Lagi naman late. Kelan ba naging on time?
Aaminin ko, hindi ako masyadong nag-research sa trip na to, kahit meron pa kong 4 na buwan para mag-prepare. Haha! Kaya eto tignan mo, bongga ng ride daba?
Direcho gala na daw kami. Para makarami. Buti naman, at first stop namin ang Loboc River. Super tomjones na kami pareho.
Bonggaaah. Eto ang pambungad nila sa bisita. Ssssttt huy! Ayusin nyo. Me bisita!
So when we were there, we waited pa for about 30 mins kasi hinintay pa naming makarating yung sasakyan namin. So habang wala kaming ginagawa, ang EJ, walang ding ginawa kundi ang manita, mang-okray at kumoment sa lahat ng nakikita niya. Gutom na nga. Hindi na matigil ang kadaldalan.
Yes sa wakas at dumating na din.
So pag-akyat namin at pumirmi na sa mga upuan, hala! Sunggab na sa pagkaen! Wapakels kung anung lahi ka pa! Agawan teh. Halatang gutom na gutom na mga tao. Kala mo mauubusan eh napakarami naman.
Infairness, ang sarap! Lalo na yung pusit. Winner na winner.
Buti nalang hindi sila English-speaking. Kundi, baka kinakausap kami ng mga to. Kaloka! Sight mo yang lalake? HANGTAKAW NYAN! Mas malaki pa yung plate nya saken pero sobrang puno!. Sarap na sarap siya.
Tahimik na ang mga tao. Busog na eh. Sight sight nalang sa ilog. Wala namang kakaiba sa ilog bukod sa kulay green. Ahmmm… Kakaiba ba yon? Or ganun ata talaga dapat kulay?
Sa gitna na ilog, nakita namin tong nakatirik. Ang saya! Bet na bet ko yung ganap nila. At bet ko ding ipuslit yung isang ukulele. Hehe.
Uhhh.. Nay…? Ok ka lang nay? Kumaen ka na ba?
Mga 2 and half hours din kami nag-cruise (yes! cruise.). Next stop namin ang mga kapatid ni labs. Chos! TARSIER!
Alam nyo, confused pa din ako kung ano ba ang tarsier. Feeling ko talaga may sanib lang sila ng unggoy pero mga paniki talaga yan. Haler? Anlalaki kaya ng mata? Laging puyat.
O see? Hindi pa naghilamos bago humarap sa mga bisita nya.
Napakahirap talaga nilang picturan dahil ang liliit nila. Tas bawal pang bulabugin. Wawa naman di ba?
Eto na yung pinakamalaki nilang tarsier. Kaya eto nalang kinuhanan ko. Parang familiar sya saken?
Syempre nagpa-uto na naman ako sa ganito. Haha!
Along the way lang pala yung Man-made forest. Kala ko naman kung anong meron dito. Ganto lang pala.
Sunod naming pinuntahan yung Butterfly Chorva. Ganda din naman. Konti lang ang paro-paro. Hapon na daw kasi.
The Butterfly Metamorphosis:
And the butterfly on its fullest form! Haha! Beking beki ang pakpak!
At eto na ang pinaka-highlight ng Bohol. Ang TOKOLEYT HILLS! Yes! Nakakatuwa. Super na-amaze ako. Kahit hindi naman talaga siya kakulay ng tsokolate, muka talaga silang Hershey’s kisses. At akala ko konti lang. Andami pala!
Ayan kahit ang inet, gow lang!
Lakas maka-turista ng shades noh?
Dinaanan namin din namin yung shipyard house. At hindi ko ma-gets pano naging tourist destination to! Well sabi dahil nai-feature daw to ni Korina Sanchez sa Rated K. Owehanongpake ko?! Kapitan daw ng barko yung may-ari. Owehanongpakekolet?! Parang nagyabang lang sya sa bahay nya. Hehe.
Pero sige na nga, pauto nalang ako ulet. Sayang din yung inentrance naming 10 petot.
Eto na yung pinakahuli naming pinuntahan, yung python ek-ek place. Micro-mini zoo ng Bohol. Hindi ako masyadong na-amaze. Hehe.
Shet kala ko hindi nakakatakot ang ahas. Kapag nasa harap mo na pala, kakatakut din! Ang lake kaya?!!
Kita mo yung balat ng ostrich? Pareho kaming chumi-chicken skin. Chos! Gusto ko din ng pritong ostrich. Yung deep-fried. Thigh part.
After sa python, dumirecho na kami sa tinuluyan namin sa Alona Beach Resort. Walking distance lang sa dagat. So after ng konting pahinga, ligo, then lakad lakad na sa beach para mag-dinner. Natuwa ako kasi kahit andaming kainan, foreingerms, at iba pang mga ganap, cool na cool pa din yung place. Hindi maingay at nakakarelax. Sabi ko, eto ang mas maganda. Malayo sa ingay, malayo sa stress. Hindi na ko nakakuha ng pictures, kasi lowbat na mga gamit namin nung time na yun.
We woke up early in the morning, mga 5:30AM para makaiwas sa init ng araw. Alam mo yan. Takot talaga sa araw. Hindi naman kami mestisa no? Isang taon akong gumamit ng papaya soap, tas 5 minutes lang mangingitim na ko agad?! NO WAY! Chos!
Oo alam ko ng sasabihin mo, let me say it for you, ANG TABA KO. Cheee!
Labs anong iniisip mo? Wala kang salbabida? Mababaw lang naman yung tubig.
Haayyy… Baha na naman sa Malabon….
Isang oras lang ata kaming nagmuni-muni sa beach, lumarga ulit kami for our Day 2 trip- sa Panglao Island.
Una naming pinuntahan yung Shell Museum. Alam mo akala ko nung una, yung Shell, as in station na Shell, yung pupuntahan namin. Eh kasi naman I work in Seaoil. HAHAHAHA! Engot lang. Hindi ko naisip na shells, as in sea shells pala. Hindi naman kasi ako ininform kagad!
Eto isa sa mga naka-display. A shell-collecting shell. Adik lang. Ginawang palamuti mga kapwa niyang shells.
Hinagdanan Cave naman ang sunod. Sakto lang. Hindi naman masyadong bongga compared sa iba kong napuntahang caves. May mga guide. Pero parang andun lang sila para maging photographer ng mga bumibisita. Yung nag-guide samen, parang mas alam pang gamitin yung dala kong camera kesa saken. Chaka ko kumuha! Samantalang siya, at iba pa nyang mga kasamahan, alam na alam na paggamit at pagkuha. Pati mga poses mo, mamanduhan ka nila.
Dinalaw din namin ang Bayoyoy (meaning dwarf). He is said to be the smallest and oldest man in the Philippines. Sabi nung nag-aalaga sa kanya, hindi daw siya nakakakita. Nakakarinig naman pero hindi nakakaintindi dahil ang brain niya maliit lang parang baby. Kaya siya nasa baby stroller kasi nga para lang siya baby. Pero ang balat, kulubot na. So hindi naman talaga siya dwarf. Maliit lang kasi hindi siya nag-grow and may abnormality. Na-feature na din daw siya ni Mareng Korina kaya pinupuntahan na din sya ng mga tao.
Wag po kayong madi-distract sa paa kong hiwa-hiwalay ang mga daliri. Please!
Pinuntahan din namin ang Dauis Church where the Mama Mary’s Well can be found. Miraculous daw yung tubig from the well. Nagkwento pa si ate na nagbabantay dun tungkol sa history, pero nakalimutan ko na. Haha! Haba eh. Pero kumuha kami ng bottled water from the well. Wala namang bayad pero may donation.
At ang pinakahuli na ng Day 2 ang Bohol Bee Farm. 30 petot ang entrance. Wala namang masyadong ganap. Para lang kaming nag-Biology class at gardening. After konting explain at trivia sa mga halaman nila. But the main attraction here are the bees. Hindi naman ako takot sa bubuyog kahit na-experience ko ng matusok nung bata pa ko. Yes, matusok. Hindi makagat. Maalala ko yung tanong nung isang lalake, “nangangagat ba yan?” Ay? May ipen lang? Engot.
Kala mo masarap? Pwes kala mo lang yon. Kaloka yung halo halo me mangga at walang yelo?! Basta kakaiba mga ingredients. O nasanay lang ako sa halo-halo ng Maynila? Bat ganun kasi yung mga laman? Ang mahal pa man din, 90 petot. Kasing mahal ng Razons.
On our 3rd day. Relak relak nalang. Pauwi na eh. Sayang, kung Sunday pala kami umuwi eh nasaksihan pa sana namin yung bugbugang Raymart-Claudine vs Mon Tulfo sa Terminal 3. Hahahaha! Ako sana ang lumabas na testigo sa totoong mga nangyari. Chos!
I wanna live here. This is life. Aaaaahhhh….. Coca-cola.
Sulit ang bakasyon. Kahit last day na namin, ayoko munang isipin ang dadatnan kong trabaho sa Maynila.
Pinanuod namin yung super moon nung gabi. Sabi sa balita, magha-high tide daw. Tama nga, sobrang taas ng tubig sa shore. Buti nalang nakapag-swimming na kami nung gabi habang nakatanaw sa buwan. O diba? Hihi.
Bago kami hinatid ng airport, dumaan muna kami ng Baclayon Church. Hindi na kasi namin napuntahan nung 1st day.
Anu kayang meron? Maraming batang nagpa-praktis eh.
Buti nakakita ako ng ganito in real life. Hinding hindi ko malilimutan to sa scene ng Jose Rizal the movie ni Cesar Montano when the priest said, “Ang impyerno ay narito na! Waaaahh!!! (sabay hagis ng bible)”. Baka dito din sila nag-shooting dahil taga-Bohol din naman si Cesar.
PULPITO pala tawag dito. Kita mo yung canopy o parang bubong niya? Tawag dun, TORNAVOZ, pang-bounce back ng tunog para lalakas yung boses ng pari. Wala nga naman kasing microphone nung araw. No wonder nakakatakot din ang mga pari nuon. Loud yung mga voice nila kasi nga, they need to para marinig sila while preaching.
Obvious talaga luma na yung church, me mga lumot pa yung walls niya. Medyo creepy din.
Eto na ata yung pinakawalang kwenta sa lahat. Yung blood compact. Rebulto lang. O anong ganap? Pero for the sake na napuntahan, ayan, souvenir picture.
Yes. Totoo na to. Uwian na. Dumaan muna kami ng konting pampasalubong. Feeling ko, kung gusto nyong pumunta sa relaxing place, Bohol is the place to be.
Ba-bye Bohol! Hanggang sa muli. Dadalawin kita ulit kapag nakarating na ko sa Boracay, Coron, El Nido at iba pa. Syempre saka na yung take 2 kapag napuntahan ko na yung iba no? Haha! I feel recharged at handa ng mag-overnight ulit sa office. Handa na ko ulit magtrabaho! Chos!
xo, hopya
The Sandara Ocean Parkkk Experience
Dati ko pa gustong gustong pumunta ng Manila Ocean Park. Kaso namamahalan ako sa entrance- 400Php. Isa pa, wala namang mayaya kasi nga pang-bagets lang talaga siya. So baka pagtawanan lang ako kung magyayaya ako di ba?
So when Ria asked me kung gusto ko daw siya samahan, GOW naman ako! Libre ang entrance and food eh! Alam mo yan basta libre masaya. Haha! Buti pa SMART may ganto pangfamily field trip. :)
When we entered the park, akala ko gow na agad. Akala ko aquarium ang bubungad saken. O well syempre nga, kelangang may bilihan ng tickets, reception, dining, ganun muna. Sobrang excited kasi ako, so napaka-advance agad ng utak ko.
We have 3 free passes, first stop- the OCEANARIUM.
O ayan ang mga kasama ko. Si Miles at Ria. Si Ria naman kung makangiti kala mo wala ng bukas…
Eto feeling ko overcrowded to eh. Pati yung pagong isiningit dyan.
Seahorse po yan. Nagpapasikat! So habang pinapanuod ko mga seahorses, I had this mental image, panu kung ka-size talaga ng mga kabayo yan?! Hahahaha! Grabe kalalake!
Sige. POUT KUNG POUT! Cowfish daw yan. Eh bakit ang totoong cow naman hindi nakanguso?!
Finding Nemo!!!
Eto bongga, alam mo kung ano naisip ko dito agad? BEAUTY PAGEANT! Good evening! I’m candidate number 1 from Peru!
SHet! Namangha ako at natulala na meron pala talagang ganyang kalalaking mga isda. Obvious na obvious na bang first time ko?!! Hahahaha!
Anu kayang mangyayari kapag nabutas yang glass? Shet! Ihahanda ko yung pang-ihaw! Iihawin ko lahat ng isda! Bwahahaha!
Alam nyo, eto yung paboritong inoorder ni Labs kay Ate Arlyn eh. Kapag pritong ganito, 2 rice automatic!
Shumi-ship wrecked effect pa sila. Para naman feel at home ang mga isda di ba?
Nung nasa labas palang kami, medyo na-disappoint kami kasi akala ulit namin, walang malaking aquarium na nadadaanan ng tao. Yung nagmo-MOISES effect na nahahati ang karagatan, tas makakadaan kami? Kaya nung nakita namin to, 3 kaming parang batang napasigaw sa tuwa. Hahaha!
So avail naman sa picture kahit madaming tao.
Oh nakita mo yung page?! Parang sarap gawing kumot!
Bawal kasi ang flash ng camera kaya ganyan kadilim. Imaginin nyo nalang kung may mga flash lahat yung dalang cam ng mga tao, bulag na yung mga isda.
Parang isang malaking tombyolo ng mga isda di ba?
Dan-dan-dan-dan… dan-dan-dan-dan… Heto naaaa…. ang mgaaaa… DREADED PATING-ker bells!
Next stop namin, dahil na-overwhelmed na ko sa mga isda, TRAILS TO ANTARCTICA. So obviously, anu ba meron sa Antarctica? Eh di HAFFY PEET FENGUINS! Sige try mong bigkasin. Hahahaha!
Habang nasa line pa kami papunta sa luob, kita na din naman sa labas yung mga penguins. At teh, syempre natuwa na naman ako dito. Avail sa kodakan. Nagpauto talaga kami. Haha!
Eto na si Mumble!!! Ang kyoooot!!!
Yun mga malalake, fake na yun. Although in real life, they can grow as tall as human. In fact upto 5 feet. O di ba? Nabasa ko yan sa trivia sa labas habang naghihintay sa pila.
Eto na nga yung sinasabi ko, may mga trivia na nakapost sa wall while people are waiting in line. Para hindi naman ma-bore ang mga tao di ba? Basa basa na din pandagdag kaalaman.
Ang mga super bibong milo energy kids!
Eto na! Actually, binawalan kaming gumamit ng gadgets kasi -15 degrees sa luob. Pero matigas pa din ang ulo namin. Haha! Sayang kaya ang moment?!
Anu malameg? Yabang ko pa sa labas eh. Nung nakapasok na ko, parang gusto kong paapuyin yung chimney.
Bakit andaya? Bakit mas mukang sosyal yung jacket ni Ria?! Bakit samen mukang raincoat?!
Hindi po yan pulbos o bulak o foam. Totoong ice po yan sa maniwala kayo’t sa hindi.
Hindi ba kayo nagtataka nasan na yung penguins? O nakalimutan nyo na? Haha!
Yes. Wala po. Yang nakikita nyo. Yan na yun. Yung nasa labas na kuha namin, andun yung penguins. Pina-experience lang sa amin what it feels like in Antarctica. Grabe ganun pala. And I’m sure, hindi ko kelangang pumunta ng Antarctica para ma-experience yun. Haler maraming countries who experiences below zero centigrade noh? Pauso tong Ocean Park na to. Siguro sabi ng mga Koreans na pumasok, PINAGLOLOKO NYO BA KAMI?!
Hehe. 5 minutes palang ata nakakaraan, eto na ko!
Gusto lang naming magpasikat. Haha!
When we got out. Naloka ako dahil biglan lumabo paningin ko. Sabi ko, anung nangyare?!
After that, we had our lunch na by the bay. Lahat ng employees ng Smart, dun nagtipon-tipon para i-avail ang free lunch. Hindi na ko nakakuha pa ng photos dahil tinitipid ko yung battery ko for our next activity. Basta best in food yung prepare. With matching ice cream panghimagas.
It was around 12:30pm already and Ria said they had to go kasi sasamahan pa niya si Miles sa dentist nya, dahil naka-sked siya ng 1pm. Nagpaiwan na ko dahil gusto kong i-avail yung last show~MARINE LIFE SHOW feat. the sea lion. O di ba? Parang JLO feat Pitbull leveling? So when they left and after I took some retouch (Oiliness is next to Ugliness!), I went out to ask when will the show start. Walanjo! 2pm pa daw. Eh 12:30 palang?! Anung gagawin ko dun, tumunganga. Ayokong mag-ikot dahil ayoko din gumastos. Kaya matapos ang ilang pagmuni-muni, napagdesisyunan ko na din umuwi. Tutal yung ticket, pwede pa naman till next year. So pede pang balikan.
Nag-enjoy talaga ako kahit ang mga kasama ko sa pila puro 7 years old and below. Kiber! Nung bata pa ko, hindi ko na-experience tong mga to. And I’m sure, kahit ikaw, mae-enjoy mo din. Kasi nga, lakas nyang makabata ng puso. Feeling mo bata ka ulit. Try nyo din. Masaya siya! :)
Visit the site para sa iba pang info. http://www.manilaoceanpark.com/
xo, hopya
A-blue blue! A-blah blah! (Taken with instagram)
I wanna live inside the fridge! Please! (Taken with instagram)
221 kcal burnt for the half rice I ate for lunch. I still have the ulam and merienda to burn. Loser. :( (Taken with instagram)
You gotta lick it, before we kick it! (Taken with instagram)
The overrated ice cream… and overpriced! Mas masarap pa din corneto cone. :-/ (Taken with instagram)
Taken with instagram







































































































